SPA = BTC0.00

Ang SPARTA ay isang Bagong Henerasyon na Cryptocurrency
9 na Dahilan Upang Simulang Gamitin Ang SPARTA

  1. Teknolohiyang Blockchain.

    Ang pagiging tunay ng anumang pagbayad ay madaling mapatunayan, at ang cryptocurrency ay hindi maaaring gayahin o i-hack. Ang SPARTA ay desentralisado, kaya ang mga estado at mga kumpanya ay hindi makakaimpluwensya sa mga operasyon sa loob ng sistema.

  2. Mga paglipat kahit saan, kahit kailan.

    Ang mga transaksyon ng SPARTA ay ginagawa nang 24/7.Ikaw ang magdedesisyon kung kailan, kanino, at saan ipapadala ang cryptocurrency.

  3. Laging pinakamababang mga bayarin.

    Babayaran mo ang pinakamababang bayarin sa mga transaksyon sa SPARTA.Di tulad ng mg bayarin sa ibang mga cryptocurrency, ang mga bayarin ng SPARTA ay agarang nababago upang manatiling pinakamababa hangga't maaari.Ang bayarin ay inumpisahan upang maging proteksyon laban sa mga atake ng DDoS.

  4. Seguridad.

    Pinipigilan ng SPARTA ang iba't-ibang pag-atake sa network, di binibigyan ng pagkakataon na kumilos ang mga manloloko.

  5. Ginhawa at madaling magamit.

    Kahit sino ay maaaring gumamit ng SPARTA.Ang SPA ay madaling palitan ng perang fiat sa anumang panahon sa pamamagitan ng mga platapormang palitan.

  6. Proof-of-Stake.

    Sa halip na magsayang ng maraming lakas ng pag-compute, ang mga balanse ng account ng gumagamit ay ginagamit upang siguruhin ang seguridad ng network.Kaya ang mga karaniwang kompyuter at mga laptop ay kayang suportahan ang network.Hindi na kailangang bumili ng mga mamahaling kagamitan o magbayad ng malalaking bayarin sa elektrisidad.

  7. Kapaki-pakinabang na gantimpala sa paglahok sa network ng SPARTA.

    Matatanggap mo ang kabuuan ng lahat ng mga bayarin sa mga transaksyon sa isang block. Kung ang tiyak na mga kundisyon ay natamo, ikaw ay garantisado ring tumanggap ng isang gantimpala sa anyo ng bagong likhang mga token ng SPA. Ang laki ng gantimpalang ito, na sa simula ay 8,000 na SPA bawat block, ay magbabago sa bawat 500,00 na block.

  8. Proteksyon laban sa inflation.

    Sa kalahatan, halos 9 na bilyong mga coin ang lilikhain. Di-katulad ng fiat na pera at karamihan sa mga cryptocurrency, ang SPARTA ay suportado ng limitadong dami ng mga token at protektado laban sa inflation. Ang lahat ng mga bagong SPA token ay miminahin sa loob ng tinatayang 8 na taon.

  9. Mataas na kapasidad, mabilis na mga transaksyon.

    Ang isang bagong block ay nililikha sa network ng SPA bawat minuto.Ang SPARTA ay nagpoproseso ng higit sa 1,278,720 na mga transaksyon bawat araw, nangangahulugan na maaari kang magpadala ng pera kahit saan sa mundo nang mabilis para sa mababang bayarin. Sa paghahambing, ang Bitcoins ay sumusuporta sa pinakamataas na 300,000-400,000 na mga transaksyon bawat araw.

Gumawa ng wallet