SPA = BTC0.00

Tungkol sa SPARTA

Ang SPARTA ay isang bagong cryptocurrency na nilikha upang pabutihin ang pinansyal na mga relasyon sa pagitan ng mga tao. Ang aming layunin ay gumawa ng desentralisadong pinansiyal na mga relasyon na walang mga tagapamagitan. Matapat at patas, ang SPARTA ay ang pinakamadali at pinakamaginhawang cryptocurrency para sa lahat.

Bakit "SPARTA"?

Ang pangalang SPARTA ay nagmula sa mga salitang “SPArk” at “TArget”. Ang sparta ay isang bagong tilamsik sa mundo ng cryptocurrency. Nais naming kumatawan sa progreso, pag-unlad at pasulong na kilusan. Lilikha kami ng isang tilamsik sa pamamagitan ng paggawa ng bagong pinansyal na mga relasyon na desentralisado, matapat, at patas.

Ang SPARTA cryptocurrency ay ipinangalan din sa kapangalang estado sa lumang Gresya. Ihinahalimbawa ng Sparta ang ideyal na estado na inilarawan ng pilosopong si Plato. Nais naming gawing simple at maliwanag ang SPARTA cryptocurrency. Gaya ng lumang lungsod-estado ng Sparta, ang SPARTA ay nais maging ideyal — sa mundo ng mga cryptocurrency.

Ano ang cryptocurrency?

Ano ang cryptocurrency? Bakit namin inaalok ang SPARTA?

Ang cryptocurrency ay digital na pera na nakabatay sa cryptography, ang agham ng pag-encrypt ng datos. Di tulad ng mga dolyar, eoru, o iba pang mga fiat na pera, ang pagbibigay ng cryptocurrency ay hindi kontrolado ng isang estado; hindi ito malilimbag sa iba't-ibang dami sa utos ng gobyerno. Ang lahat ng may hawak na cryptocurrency ay may parehong mga karapatan. Ang mga karapatang ito ay ay suportado ng mga may hawak nito.

Ito ang dahilan kung bakit ang mga gobyerno, bangko, at iba't-ibang mga kumpanya ay hindi maaaring impluwensiyahan ang mga transakasyon sa loob ng sistema, ang rate ng palitan, atbp. Ang SPARTA ay isang kumpletong desentralisadong network.

Ang cryptocurrency ay nakabase sa blockchain, isang magkadugtong na serye ng mga datos. Ang bawat transaksyon ay nakasulat sa mga block na magkakadugtong nang di mapuputol. Para itong isang ledger, na magagamit ng lahat at hindi maaaring baguhin. Alinsunod dito, ang pagiging tunay ng anumang pagbayad ay madaling mapatunayan, at ang cryptocurrency ay hindi maaaring gayahin o i-hack.

Tinatangkilik ng SPARTA ang pinakamahusay na mga tampok ng iba pang mga cryptocurrency at kasabay nito ay binabawi ang kanilang mga kahinaan. Nilikha upang gumawa ng bago at di-nakasentrong mga relasyong pinasyal, ang SPARTA ang pinakamaginahawa at ligtas na cryptocurrency na magagamit ninuman. Lumikha ng mas magandang mundo!

Cryptocurrency laban sa mga bangko

Maginhawa

Hindi tulad ng mga transaksyon sa bangko, ang mga transaksyong cryptocurrency ay ginagawa 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Ikaw ang magpapasya kung kailan, kanino at saan ipapadala ang iyong pera.

Sulit na mga transaksyon saan man sa planeta

Ang mga bayarin sa transaksyon ay ilang beses na mas mababa kaysa sa mga bayarin sa bangko at hindi nakasalalay sa halaga ng paglipat o lokasyon ng gumagamit. Naglilipat ka ng pera sa sinuman mula sa kahit saan sa mundo na may pinakamababang bayarin.

Mabilis na mga paglipat

Ang mga paglipat ng bangko ay tumatagal ng 3-5 na araw ng trabaho sa karaniwan. Sa kadalasan ng mga kaso, ang bilis ng paglipat gamit ang SPARTA ay isang minuto.

Proteksyon laban sa inflation

Ang pambansang mga currency ay bumababa ang halaga taon-taon ng 1-20% (minsan ay higit pa). Ang SPARTA ay suportado ng isang limitadong dami ng mga yunit (nasa 9 na bilyon na mga token) at protektado laban sa inflation. Ang Cryptocurrency ay may sariling rate ng palitan na pinangangalagaan ng merkado.

Ang aming mga kalamangan

Kaya, kung kailangan mong magpadala ng isang tiyak na halaga sa isang tao sa ibang bansa, maaari mong gawin ito nang mabilis, nang hindi nagbabayad ng malaking bayarin at pagpuno ng maraming mga dokumento.

Tutukuyin mo lamang ang numero ng wallet, ang halaga ng paglipat at i-click ang button, makukuha ng tatanggap ang mga coin sa loob ng isang minuto. Madali mong palitan ang SPARTA ng fiat na pera (dolyar, euro, yuan, atbp.) sa maraming mga palitan ng cryptocurrency sa anumang sandali.

Forging (pagmimina) at seguridad ng network

Dahil ang cryptocurrency ay hindi nabibilang sa anumang estado, kumpanya o bangko, ito ay minimina at ang seguridad nito ay sinusuportahan ng mga gumagamit mismo sa pamamagitan ng pag-install ng espesyal na software. Ang proseso ng pagmimina ng cryptocurrency at pagpapanatili ng ligtas na operasyon ng network ay karaniwang tinutukoy bilang pagmimina, at ang mga taong nasasangkot sa prosesong ito ay tinatawag na mga minero.

Gumagamit ang SPARTA ng isang Proof-of-Stake (PoS), kaya rito ang prosesong ito ay tinatawag na PoS-mining, o forging. Gayunpaman, ang pagmimina at forging ay parehong bagay, gayunpaman, ang pagmimina ay nangangailangan ng malalakas na istasyon ng kompyuter, habang ang forging ay hindi batay sa lakas ng computing, sa halip ay sa balanse ng account ng gumagamit.

Upang suportahan ang operasyon ng network ng SPARTA, ang mga kalahok ay nag-iinstall at nagpatakbo ng espesyal na software, kaya tumatanggap ng isang pagkakataon upang lumikha ng isang bagong block sa network ng SPARTA.

Ang probabilidad ng paglikha ng isang bagong block ay ipinamamahagi sa lahat ng kalahok sa network gamit ang isang espesyal na formula na nakasalalay sa mga balanse ng kanilang mga address. Mas maraming mga token ng SPA sa isang account, mas malaki ang pagkakataong lumikha ng isang block.

Gumawa ng wallet

Kapag ang isang minero ay nakalikha ng block, siya ay tumatanggap ng isang gantimpala. Ang gantimpala ay binubuo ng:

Mga bayarin sa mga transaksyon sa loob ng block

Isang karagdagang gantimpala ng mga token ng SPA para sa paglikha ng block

Ang gantimpala para sa forging ay nakadepende sa dami ng mga coin sa account ng isang gumagamit:

Kung ang isang minero ay may nasa pagitan ng 888 at 999,999 SPA (kabilang) sa isang account, siya ay tatanggap lamang ng kabuuan ng mga bayarin sa transaksyon

Kung ang minero ay may 1,000,000 SPA o higit pa sa isang account, siya ay ginagantimpalaan din ng mga bagong likha na mga token ng SPA

Kaya, may mga minero na sumusuporta sa network, at mga minero na tumutulong din sa pag-unlad ng cryptocurrency na pera sa pamamagitan ng pamumuhunan. Dahil dito, ang mga minerong ito ay tumatanggap ng mas maraming kita. Upang maiwasan ang sentralisasyon, lahat ng minero na ang balanse ay 1,000,000 SPA o higit pa ay may pantay na pagkakataon na lumikha ng isang bloke.

Teknikal na mga kalamangan ng SPARTA

  • Tulad ng nabanggit sa itaas, ginagamit ng SPARTA ang paraang Proof-of-Stake. Nangangahulugan ito na ang pagmimina at pagpapanatili ng seguridad sa network ay hindi nangangailangan ng mga supercomputer. Ang sinuman na may karaniwang kompyuter ay maaaring magmina at gumamit ng SPARTA.
  • Gamit ang SPARTA, magbabayad ka lamang ng pinakamababang bayarin para sa mga transkasyon. Ang paunang bayarin ay 1 na token ng SPA para sa bawat transaksyon. Kaiba sa iba pang mga cryptocurrency, ang bayarin sa SPARTA ay pabago-bago upang manatiling pinakamababa Ang bayarin ay kinakailangan lamang upang maprotektahan ang network mula sa mga pag-atake ng DDoS, hindi katulad sa Bitcoin, halimbawa, kung saan ang bayad ay nagsisilbing paraan para sa mga minero upang makabuo ng kita.
  • Mayroong 888 na mga transaksyon sa isang block.
  • Ang kabuuang dami ng mga coin ng SPA ay magiging 8,888,888,888 (~9 billion).
  • Ang mga block ay nalilikha minsan sa bawat minuto:
    • - isang block bawat minuto;
    • - 60 na mga block bawat oras;
    • - 1,440 na mga block bawat araw;
    • - 10,080 na mga block bawat linggo;
    • - 43,200 na mga block bawat buwan;
    • - 525,600 na mga block bawat taon.
  • Ang kapasidad ng network ay ang sumusunod:
    • - 14.7 na mga transaksyon bawat segundo;
    • - 888 na mga transaksyon bawat minuto;
    • - 53,280 na mga transaksyon bawat oras;
    • - 1,278,720 na mga transaksyon bawat araw;
    • - 8,951,040 na mga transaksyon bawat linggo;
    • - 38,361,600 na mga transaksyon bawat buwan;
    • - 466,732,800 na mga transaksyon bawat taon;

Ang gantimpala para sa isang block ay pabago-bago depende sa kabuuang dami ng block na nalikha (kabuuang tagal ng panahon).

Panahon Dami ng mga bloke Dami ng mga coin Gantimpala para sa block
Paunang pagmimina 0 888,888,888 -
1 500,000 4,000,000,000 8,000
2 500,000 2,000,000,000 4,000
3 500,000 1,000,000,000 2,000
4 500,000 500,000,000 1,000
5 500,000 250,000,000 500
6 500,000 125,000,000 250
7 500,000 62,500,000 125
8 500,000 62,500,000 125
Kabuuan 4,000,000 8,888,888,888 -

Ang SPA ay patuloy na ipapamahagi hanggang sa 2025.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SPARTA, sa mga teknikal na katangian at prinsipyo nito ay pakibasa ng aming Whitepaper.